takot akong mamatay bukas
Hindi ko alam bakit ako takot mamatay bukas. Ika nga nila hindi mo kayang masabi kung anong mangyayari kinabukasan. Marami akong rason bakit ako takot mamatay bukas at isa na doon ay kung paano na ang mga magulang at ang mga kaibigan ko kung wala na ako? Gagaan na ba ang mga buhay nila dahil wala na ako o lalo bang hihirap ang buhay para sa kanila dahil wala na yung nag-iisang taong nagbibigay sa kanila ng ligaya.
Paano kung hindi ka na magigising kinabukasan at hindi mo nasabi ang mga gusto mong sabihin sa kanila. Sa tingin mo ba makakayanan nila ang pagkakawala mo o parang magiging normal lang sa kanila na wala ka na. Ni minsan ba naisip mo kung sino ang taong palaging bibisita sa puntod mo? o kung sino ang mga taong magluluksa ng matagal dahil sa pagkakawala mo.
Napapatanong ako sa sarili ko minsan ko ano ang magiging buhay nila pagtapos ng pagkakawala ko. Dahil natandaan ko sa mga sinabi ng mga kaibigan ko na sobra daw silang malulungkot kung dadating man ang araw na mawawala ako.
Sana sa oras na mawala ako ang tanging hiling ko lang ay gumaan na ang mga buhay ng mga taong mahal at na sa palagid ko dahil yung lamang ang aking nag-iisang hiling.
Kaya’t sa bawat oras na meron ka pa sulitin mo na ang pagkakaroon ng oras para sa kanila. Lagi mong isipin na mahal ka nila hindi dahil buhay ka at humihinga kundi mahal ka nila dahil ikaw na yan.